The Empowered Filipinas

A Love Letter...

View previous topic View next topic Go down

A Love Letter...

Post by *JenZ* on Thu Mar 05, 2009 2:50 pm

Mahal,

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan itong sulat kong ito. Basta ang alam ko, ito lang ang magiging way para malaman mo kung ano ang nararamdaman ko. Kailan nga ba tayo nagkaroon ng matinong conversation? Siguro nga kasi, busy ka masyado sa buhay mo ngayon. Ang klase ng buhay na pinili mo, kung saan hindi na ako kasama doon.

Nakakatawa ano? Parang kailan lang, naglalakad tayo mula sa tabing dagat at magkasama tayong nangangarap ng klase ng buhay na gusto natin. Kailan na nga ba ‘yon? Ngayon pinilit kong balikan ang nakaraan at binalikan ko rin ang lugar na yon. Pero para akong naliligaw habang naglalakad sa lugar na kung saan natin pinangarap ang lahat. Ngayon, bigla ko nalang nakita ang sarili kong naglalakad mag-isa na hindi ka kasama. At natatandaan mo ba yung restaurant na palagi nating tinitignan sa tabing ilog? Diba sabi mo, ganong klaseng restaurant ang gusto mo? Pinuntahan ko rin yun na mag-isa, hindi para balikan ang nakaraan. Kundi para planuhin kung paano ko sisimulang mangarap muli ng hindi ka na kasama. Ang hirap, hindi ko alam kung saan at paano ko ito sisimulan. Dahil nawalan na ako ng gana para mangarap. Para akong isang ibon na nawalan ng pakpak. Dahil wala ng umaakay sa akin para lumipad, napadpad ka na sa isang lugar na hindi ko alam kung ililipad ka pang muli ng hangin pabalik sa akin. Wala ng liwanag ang tumatanglaw sa nagdidilim kong paligid, at wala ng mga kamay ang humahaplos sa puso kong nagdadalamhati. Iba na kasi ang laman ng puso mo, na dating isinisigaw lamang eh ang pangalan ko.

Umiiyak ako sa tuwing naalala ko ang mga pinagdaanan natin. Umiiyak ako dahil nasayang lang ang lahat ng mga yon sa isang kisap matang ni ikaw hindi mo mabigyan ng kasagutan kung bakit. Pinipilit kong kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa. Sa bawat galaw ko, sa bawat lugar na pinupuntahan ko, ikaw parin ang iniisip ko. Ikaw parin ang nakikita ko. Sa’yo lang umikot ang mundo ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang buhay ng wala ka na sa tabi ko. Nangangapa ako at umaasa na sana magbago ka at muli mong maalala na may isang Jena na nagmamahal saiyo higit pa sa buhay ko.

Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, gagawin ko. Pero wala na nga talaga sigurong pag-asa. Ito na nga siguro ang time para bumuo tayo pareho ng sarili nating buhay ng hindi natin kasama ang isa’t-isa. Masakit para sa akin ang mawala ka, hindi lang dahil sa nawalan ako ng isang taong minamahal at nagmamahal sakin, kundi dahil nawalan ako ng isang matalik na kaibigan. Nawalan ako ng inspirasyon at para akong nawalan ng buhay.

Natatandaan mo rin ba nung nasa Park tayo kung saan tayo'y nagpupunta kapag gusto natin ng katahimikan? Sabi mo sakin, kung uuwi ako ng Pilipinas, hahanapin mo ako, bigla ka nalang kakatok sa pintuan namin na may dalang mga bulaklak. Anong nangyari? Bakit bigla nalang nagbago ang pagtingin mo sakin? Nakakatawa ano? Kahit ikaw hindi mo alam sagutin ang mga tanong ko. Pinagtataka ko lang, kung bakit parang ang dali lang para sa’yo ang kalimutan ang lahat? Ang itapon ang lahat samantalang ikaw mismo ang nagbitaw ng mga pangakong naging sandalan ko upang mahalin ka ng wagas at totoo.

Masyado nga siguro akong nagtiwala sa’yo. Nagtiwala ako sa’yo na hindi ako masasaktan, Ilang beses mo nang ginawa sa akin yon? Pero pinatawad parin kita at binigyan parin kita ng ilang beses na pagkakataon dahil nangako ako sa’yo na ipaglalaban kita. Gusto kitang ipaglaban hanggang ngayon. Pero paano ko ipaglalaban ang isang tao na hindi alam kung ano ang gusto sa buhay? Kahit na sinabi mo sakin na huwag na akong umasa pa, pero sa loob loob ko, umasa parin ako na magbabago ang isip mo. Ang hirap paniwalaan na bigla nalang naglaho ang pagmamahal mo sa akin. Hindi mo man sabihin sakin, alam ko, nararamdaman ko, hindi mo na ako mahal tulad ng dati. Sabi nga nila, mahirap pilitin ang taong napipilitan lang. At saiyo narin nagmula ang salitang "walang iwanan" na siyang naging pader ko sa bawat hampas ng pagsubok sa buhay. Na "bigyan kita ng laya" dahil doon ka masaya o ang mga sinasabing mong, "ayokong pagusapan, hindi ko alam…"

Ang hirap nito, nasanay ako sa piling mo wala akong ibang inisip kundi ikaw. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko hindi para sa akin kundi para narin sa’yo. Dumating yung point na hindi na ako makapag-desisyon sa sarili kong buhay ng hindi ko muna tinatanong ang opinion mo. Ang hirap palang magmahal ng sobra, nawalan ako ng bilib sa sarili ko.

Tuloy iniisip ko, saan nga kaya ako nagkamali? Nagkamali ba ako sa pagmamahal sa’yo? Nagkamali ba ako sa pag-aalaga sa relasyon natin? O nagkamali ako sa sobrang pagbibigay ng kalayaan mo? Ako nga kaya ang nagkulang? Ako nga kaya ang nagkamali? Ang hirap ng sitwasyon ko ano? Ang daming katanungan, ang daming iniisip. Katanungang ayaw mong bigyan ng kasagutan. Katanungang iniiwasang mong marinig.

"Let’s just be friend" katulad ng sinabi mo. But please maging firm ka rin naman sa desisyon mo. Hindi na dapat tayo nagkikita ng parang na parang wala lang nangyari. Hindi mo na dapat ako pinapaasa pa. Bakit ayaw mong ibalik ko saiyo ang ibinigay mong singsing? Bakit kailangan kong umasa pa sayo? Tama na Mahal, ayoko na. Bigyan mo naman ng katahimikan ang puso ko dahil sa bawat kalabit mo, heto ako parang basang sisiw na nababaliw at nabubulag sa pag-ibig ko. Hindi na dapat, hindi na tama. Tama na sa akin na may mahal kang iba, pero palayain mo naman ako. Let me do things on my own, kailangan ko iyon. Baka naaawa ka lang kaya hindi mo ako maiwanan, huwag Mahal, huwag mo akong kaawaan dahil hindi ako ang nagmumukhang kawawa dito. Hindi ako ang lumalangoy sa dalawang ilog, hindi ako ang nangangako sa dalawang tao, hindi ako ang nagpapaasa.

Kalayaan ko lang ang hangad ko. Tulungan mo akong gumising na hindi ikaw ang nararapat sa akin. Huwag mong paglaruan ang puso ko na ang alam lang ay ang mahalin ang iyong pagkakamali at kahinaan. Selfish ka Mahal, hindi mo man lang isinaalang-alang ang damdamin ko. Hindi mo na ako binigyan pa ng pagkakataon para bumangon, unti-unti mo akong pinarurusahan sa kasalanang ikaw naman ang nagumpisa. Katangahan ang mahalin ka pa…

Ayokong magalit saiyo, gusto ko paring manatili ang friendship natin. But please let me go totally huwag kang urong-sulong.

Pinapalaya na kita, sorry sa mga hardships ko sa family mo, for making them angry to me kahit hindi ko naman sila kilala dahil never mo naman akong ipinakilala sa mga relatives mo. Sorry for making your mother get mad at me most specially, hindi ko yon sinasadya. Kailangan kitang I-give up para mawalan na ng mga taong nagagalit sa akin, mga taong ni sa pangalan hindi ko nakikilala pero nagagalit sa akin. Ayoko ng magulong buhay.

Nakakalungkot isiping hindi na ako kasama sa mga pangarap mo, pero masaya narin ako dahil at least may isang "Mahal" na dumating sa buhay ko, dahil sa konting panahong ito, tinuruan mo ako kung paano ang maging isang mabuting tao, kung paano magmahal ng tapat at maging mabuting kaibigan sa lahat ng pagkakataon. Nagpapasalamat ako dahil sa konting panahon na yon, wala akong pinagsisisihan dahil sa mga panahong iyon, magkasama tayong masaya at nangangarap sa buhay…
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by Admin on Thu Mar 05, 2009 4:20 pm

I love you jenz. Alam kong sobrang sakit, alam kong sobrang hirap , di ka nag iisa, dumadaan din kami sa ganyan and we understand.
Kung ano man un, un na un basta ang mahalaga nagmahal ka..

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6587
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by chaps_1022 on Thu Mar 05, 2009 4:23 pm

Sad sad story sis Jen! kase me mga bagay na kelangan nateng bitiwan kase hindi naten sila pedeng ariin na aten habang buhay. gaano man naten kagusto at pinapahalagahan eto. i can relate to your story. masakit sa umpisa and up to this moment, but i know and i believe na napapagaleng ng panahon ang anumang sugat! just being honest with myself! i don't care with what other people may say. ang importante alam mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang makakapgpasaya sayo at makakapagbigay sayo ng satisfaction sa buhay na hinahanap mo. wag ka lang maging tanga at bulag sa katotohanan na ang taong mahal mo ay d ka na mahal! ang katotohanang nagdudumilat sa harap mo pero mahirap makita kase ayaw mong makita at tanggapin.

with your story nakakatuwa, with this experience natuto tayong irealize ang sitwasyon himay-himayin at intindihin ang isang bagay gaano man kahirap eto intindihin at tanggapin. sabi nga reality bites! masakit oo but from here, we move on and we learn! we became a better person in this aspect of life. natuto tayo that next time hindi na dapat ganun hindi na dapat ganito! siguro lang hindi kayo para sa isa't-isa and there is someone who deserves you and who deserves your true love! ang taong karapat dapat pagbuhusan ng lahat. ang taong ibibigay ang lahat- lahat para sayo and vise-versa!

masarap mangarap, masarap magmahal, masarap ang feeling ng secure,nang me brasong nahihiligan ka lalo na sa oras na lungko't lungkot ka at me problema. the problem is pag nasanay ka at bigla syang nawala, paano ka sinta? actually the odd of letting go is the hardest and the saddest part of a love life! sabi nga mahirap bitawan ang bagay na hawak hawak mo na pero d mo naman pedeng ariin na iyo. but with this experience natuto ka that next time hindi dapat lahat ibubuhos mo at hindi lahat pede mong ariing iyo unless pag aari mo na sya at me pinanghahawakan ka na.

another lesson learned in our life's journey! see how colorful life is! we are so lucky for having a life that we have! isipin na lang naten me darating pa at magmamahal sa aten ng totoo! at sa Kanya we must be thankful kase andame nyang itinuro saten, with his expence natuto tayo ng hindi itinuro sa school d ba? at kahit papano nalaman mo at naramadan mo kung paano ang mahalin at magmahal! ang pinakamatamis at masarap na bagay sa mundo! the most magical and powerful word in this life that is called L-O-V-E!

ngayon kung gusto mong magtaray eto ang linya "any way it's not my loss it's yours", " hindi mo lang alam kung ano ang iginive up mo!" hehehe! anlakas ng fighting spirit sabay pag mag isa ka na lang umiyak ka isubsob mo sa unan d ba? o d kaya magyaya ka ng loyal frend mo yung makikinig ng kwento at hinagpis mo ng paulit ulit hanggang umaga basta ba painumin mo lang sya hehehe! sa current gf nya naman sabihin mo " ayan sayo na sya iyong iyo na kase pinagsawaan ko na hehehe"! d ba sisssy! pero kung hindi mo talaga kaya andito lang kame makikinig sayo hindi ba ladies? lol! lol! lol! cheers


Last edited by chaps_1022 on Thu Mar 05, 2009 4:27 pm; edited 1 time in total
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by Admin on Thu Mar 05, 2009 4:26 pm

nice shot chaps hehe! lol! lol! lol!

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6587
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by *JenZ* on Thu Mar 05, 2009 7:45 pm

Wow.. touch naman ako! Thanks talaga mga sissy, it really means a lot to me. This is just a shared love story. I hope 'di kayo magsawa sa pakikinig sa mga kadramahan ko sa buhay. Ehehehe! Both of you are right. The most important thing is natuto akong magmahal and next time... alam ko na what's the best thing to do, which is never give your 100%. Kaya tuloy ngayon, parang naging manhid na ako.. madami mang dumating sa buhay ko, parang ang hirap ng ibalik ng dating feelings sa isang taong mamahalin ko. Unang una syempre ang trust... With this experience i had, i realized that i shouldn't trust nobody but myself alone... Kaya ang hirap iwork out ng mga bagong relationships. Ehehehe!

Well mga sissy, thanks a lot and i hope you enjoyed reading this "love letter"... 'Till next time again...
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 12:51 am

tama lahat ng sinabi mo sis Jen, u'll never know a thing until you've never been into it! cheersssssssssssssssssss mga sissy! tnx a lot Jen for sharing your story with TEFS! nag enjoy kame nacarried away kame at me natutunan den kame! masarap pa den ang magmahal at minamahal kaya wag po kayong madadala and never give up loving! luv u all sisters!muah! cheers flower
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by Admin on Fri Mar 06, 2009 6:41 pm

oh yes, cheers sisters!
You know what, in everything you do, always do your best and just do what makes you happy, that's the most important thing. If it doesn't work for them, then at least there are moments that they will realize na "iba pa rin tlga si jen.."
oh db? bongga!

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6587
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 8:44 pm

cheers aha bonggang bongga ang TEFs cuz! congratz to all of us for ranking 3rd as the fastest growing forum in the net! job well done everyone! keep posting and sharing your inner self! kampaiiiiiiiiii, salut,le khaim, cheersss atbp lol! cheers cheers cheers
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by ragjovs on Tue Mar 31, 2009 9:19 pm

Hi sis..i read ur st0ry just n0w..actually naiyak aq..s love ibat iba ang ctwasy0n bt we as a w0man un naman tlga tau e kpag nagmahal N we cnt c0ntr0l ourselvs mayb s cmula tau nsusun0d bt later iniaasa n tlga natn s partner natn ung dcsy0n..hanggang sa naggng dpndent n tau s kanla n para bang we will do our best just to make them proud of us and satisfied wd our love..which we really cant because it is a nature of human n ung satisfacti0n natn ai just 4 a sh0rt time lng kc evry minute the world change..even us..sbi nga s word of God..only Jesus ddnt change..kaya kung s ta0 tau umasa wala taung kcguraduhan..ok lng po un atleast we learn s mga npagdaanan ntn s ngng exprience natn good or bad...may c0mment lng po aq dun s cnbi m0 n wala k p0ng ibng pnagkkatiwalaan kundi sarili m0 lang..share q lang po 2ng verse sa bible'pr0verbs 3.5..Trust n to the Lord with all ur heart and soul and never rely with ur own undrstanding,,'' hayaan u po n i heal n Lord ung sakit n nramdaman m0..d m0 po mamalayan nkalaya k n pala..what happnd to me is m0re painful po..bt i lift it up to God..tama k po dun tlgang mhrap magcmula,pero p2loy lang po..huwag ung hayaan n sayangn ung panah0n m0 s hnd dserving s l0ve m0..life is so sh0rt sis we d0nt have to waste time lalo n s pag iicp s msasakit n nkraan..thnk 4ward and strive to do ur best h day..ask the guidance of the Lord for the directi0n that God want you to be! God bless sis.. Every1 deserve to b happy n0 exepti0n.. H0pe to meet u in pers0n!
avatar
ragjovs

Number of posts : 11
Age : 35
Location : Israel
Points : 6512
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: A Love Letter...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum