The Empowered Filipinas

Ang pag-ibig nga naman...

View previous topic View next topic Go down

Ang pag-ibig nga naman...

Post by *JenZ* on Wed Mar 04, 2009 12:07 pm

Hello mga sisters... just wanted to share you one of my blog posts... i hope may maka-relate sa inyo dyan... Take care mga sissy!


ANG PAG-IBIG NGA NAMAN...

Did it ever happen to you, that you have fallen in love with someone tapos bigla ka nalang nag-iisip ng kung ano-ano kasi it’s just hard to believe that everything goes so smooth, yun ngang sinasabi nila na ‘Too good to be true’ thing. Especially, when that person is too quiet and it’s really hard for you to read what’s in his mind… Yun bang hirap na hirap ka na talagang manghula kung ano ba ang true feelings niya, kasi nga masyado siyang tahimik? It’s just impossible na wala siyang complaints sa attitude mo… Parang ang hirap paniwalaan diba?

Kaya minsan, to know the truth, you have to find some way, para lang mag-away kayo. To find out what’s really inside his heart. Diba nakakatawa? Ang ganda ganda na nga ng samahan niyo, ano pang hinihiling mo? Bakit ka pa kasi naghahanap ng gulo, e ok naman pala kayo? Hay ang buhay nga naman, kung kailan nandiyan na ang pinapangarap mo, saka ka naman naghahanap ng reason para magkagulo kayo. Kasi nga ‘Too hard to believe, it’s just too good to be true’.

Tapos, mag-aaway kayo, then booom! The thing you don’t want to hear, just popped out from his mouth kasi nga napuno na siya sa kakulitan mo. And then all of a sudden, you’ll think na yun na nga, na tama ka. But wait a minute, hindi mo ba naiisip na maybe the only reason he said that is just for you to stop annoying him? Anong gagawin mo ngayon, manghuhula ka na naman…

Why don’t you two just talk kasi, para maayos na ang lahat?

E kasi nga po, tahimik po siya masyado, and lahat nalang ng sabihin mo, tama para sa kaniya. Then magiisip ka na naman ng hindi maganda, na maybe napipilitan lang siya. Hay, ang pag-ibig nga naman, bakit ang hirap intindihin. Tapos ngayon, sino ang iiyak and who will suffer? So instead, ikaw naman ang mananahimik ngayon and siya naman ang magiisip na maybe you’re fed up, na ayaw mo na! Bakit ba ganon? Hindi mo naman pwedeng sabihin na kulang kayo sa communication, kasi nakikipag-usap ka naman sa kaniya, eh anong magagawa mo kung ganon talaga siya? Sabi nga nila, if you can’t beat them, join them diba? So ano? Pareho nalang ba kayong tatahimik? Gagawin mo din ba kagaya ng ginagawa niya na hindi mo sasabihin sa kaniya kung ano ang hinanakit mo? Kung ano talaga ang nararamdaman mo? Hindi ba ang hirap nun?

Masakit oo, mahirap… Pero anong magagawa mo? Tanggapin mo nalang ang katotohanan, if he doesn’t want to talk, what can you do? Ang tanong, masaya ka pa ba? Masaya pa ba kayo? Ask him… Then pag ang sagot niya, ‘I don’t want to pretend anymore, but on the other hand I don’t want to hurt you…’ Then give up ka na… Wag mong pilitin ang napipilitan lang… Dahil mas masasaktan ka lang lalo… Life must go on… Masakit diba? Yan si pag-ibig, mapaglaro! Eh paano kung he keeps on telling you na mahal ka parin niya? Ano ‘yun? Hindi mo naman pwedeng isipin na pinag-lalaruan ka lang niya kasi matagal mo na siyang kakilala and alam mo na hindi siya ganong klase ng tao. Sa tagal ba naman ng pinagsamahan niyo. Ikaw naman kasi, bakit mo pa kailangang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ka ba talaga kuntento sa buhay mo? Hindi ka ba masaya sa samahan ninyo? So ano pang gusto mo? "Hay… ewan ko… Basta ang alam ko siya lang ang tinitibok ng puso ko. (Ehem…)"

Tanong mo na naman, bakit ganon? You chose that… pumasok ka sa isang bagay na alam mong maari itong mangyari… At least, alam mo na hindi ikaw ang nagkamali, you did nothing but love him! Ang kulang kasi sa’yo siguro, lakas ng loob at bilib sa sarili. Hindi ba’t ikaw narin ang nagsabi na kung ano s’ya ngayon, ito’y dahil sa’yo lamang. So ano na ngayon ang desisiyon mo? Hindi mo naman pwedeng ipagpilitan ang sarili mo. Kung hindi man ito nag-work out sa inyo ngayon, maari itong mag-work out sa ibang pagkakataon, sa ibang panahon. Kung talagang siya ay para sa’yo, kahit anong mangyari, babalik at babalik din siya sa’yo. Basta ang kailangan magkaroon ka ng paniniwala na maayos din ang lahat sa inyo. Hindi naman siya mawawala sa paningin mo, nandiyan lang naman siya, basta be strong and believe in yourself. Kung makakita man siya ng iba, sigurado ako na hindi ‘yon makakakita ng katulad mo, kasi iba ka. Walang kang maling ipinakita sa kaniya.

Sabi nga nila, hindi ka daw bibigyan ng Diyos ng pag-subok na hindi mo kayang pasanin. Huwag kang magpapaka-gaga dahil lang sa kaniya. Nabuhay ka ng wala siya noon, kaya mong mabuhay ulit kahit wala na siya ngayon. Ang mahalaga ay hindi nawala sa’yo ang katangi-tanging bagay na maari mong maipag-malaki. ‘Yun ay ang paninindigan mo at respeto sa sarili. Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil kaya ginawa ni Lord ‘yan sa’yo, dahil He wants you to pick up something better. Huwag kang maging tanga, buksan mo ang mga mata mo at sigurado ako, matatauhan ka rin at itatawa mo nalang ‘yan ng itatawa.

Huwag kang magsisisi dahil hindi mali ang magmahal ng tama sa maling pagkakataon. Hindi ikaw ang may kasalanan at sana huwag mo din siyang sisihin dahil ganiyan talaga ang buhay. Minahal niyo ang isa’t isa at walang mali doon. Wala naman kayong nasagasaan na mga tao (pwera nalang d’yan sa mga mapanira at naiinggit sa inyo, hayaan niyo na sila). Ang mahalaga, minahal mo siya at naipadama mo yun sa kaniya. Isipin mo nalang na minahal ka rin naman niya. Ginawa mo naman ang lahat ng iyong makakaya. Basta magpasalamat ka nalang dahil dumating siya sa buhay mo kahit sa maiksing panahon na ‘yun. Kailangan mong tanggapin ‘yan dahil walang permanenteng bagay dito sa lupa. Dumarating ‘yang ganyang klase ng pag-subok sa lahat ng tao. Hindi ka nag-iisa, yan nalang ang isipin mo. Kung sila nga nakaya nila, ikaw pa?!

Sana nga marealize niya na siya ang nawalan at hindi ikaw… Hahaha! Itawa mo nalang ng itawa! He was pretending lang pala eh, edi kaya mo ring magpretend… Just play along. In the world you created, remember that you are the one doing the script, ikaw ang director, ikaw ang bida. At yes, wala ka mang happy ending sa kaniya, kagaya ni Cinderella, I assure you that eventually, you will have a happy ending, not now, kasi kauumpisa palang ng pelikula. It’s just a chapter in your life… And there will always be someone to take the place of someone you’ve lost. Oo, hindi ka makakakita ng kagaya niya, kasi nagiisa lang siya. But, makakakita ka ng higit pa sa kaniya… Remember that… Because right now? At this moment, yan ang nasa isip ko… And oo, masakit magmahal, mahirap, masarap… Pero, may happy ending ako, alam ko… gaya ni Cinderella…
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by amethyst_05 on Wed Mar 04, 2009 12:39 pm

Wow!! I love this! Tama ka sis jenz(though d mo pa sinasagot ko sa tanong ko sa kabila lol! )gagawa at gagawa talaga ang girl ng isang paraan to test him and may nasabi siya na hindi karapat dapat magkakaroon ng away! Ang sabi nga nila ang girl daw is walang satisfaction at all! Based on my experienced,its proven lol! lol! lol! !Anyway,wala na tayong magagawa ganon nga siguro ang mga babae kasi gusto lang makasiguro! flower at pag nagmahal is totoo! Well done sis jenz...Take care! mwahhhhhhhhh!
avatar
amethyst_05

Number of posts : 56
Age : 41
Location : ramat gan israel
Points : 6518
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by *JenZ* on Wed Mar 04, 2009 4:40 pm

Thanks sis amethyst... totoo nga yung sinabi mo.. talagang walang satisfaction daw ang mga girls, kaya I guess it's the right time for all women who can't get no satisfaction, to be satisfied and contented for what they have... and then for sure, you will find the meaning of real happiness (I'm referring to the post of chaps about real happiness).

Thanks again sis amethyst... I will take a look at your post na, and i will comment there what i think..

This site is really cool.. hindi boring at maraming mapupulot na aral. Congratulations to the admin for a work well done!
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by Admin on Wed Mar 04, 2009 9:49 pm

I'm flattered Sis Jenz, you're very much welcome! This site is really for you, girls who love to discover who they are and the power within themselves to create the life they want. More power sis!

Sa pag -ibig nga nmn, halo-halong emosyon meron jan, kaya nga powerful yan na pamatay ng tao eh (pag mahina-hina ka)

lol!

But still, no matter what happened let's be thankful na lng sa experiences ntin with them, and dahil don naging matatag and napatunayan mo sa sarili mo na kaya mo na wala sila (Minsan kailangan mong paniwalaan and isang kasinungalingan, para sa huli, marealize mo na ang inyong opinyon lamang para sa iyong sarili ang mahalaga.)

Life still goes on, no matter what happened, kaya it's our choice if we still need to live in the past or to move on and continue to live for an abundant life.

Keep Loving sis!

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6587
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by chaps_1022 on Wed Mar 04, 2009 11:35 pm

Sad usapang LOVE mejo maemo to huh! but i loved to be love and to give love in return ! cloud 9 ang feeling lol! alala ko na naman love life ko huh! newei lets move on....... sabi nga nila nothing is constant in this world everything always come to an end, we can't hold something for life gustuhin man naten if hindi ukol d daw bubukol! lets be thankful than once in our life minahal mo sya at minahal ka nya! that he became a part of you and you became a part of him! that in your life's journey you've met him, and u have earned a degree( lessons learned) in your love life thru him! oh d ba nagkarun ka ng masters degree sa pag ibig ng dahil sa kanya.kaya sa susunod am sure perfect relationship na!

to sum it all life is just a matter of choice!ngayon kung gusto mo mag iiyak at mangunsumi habang buhay aba its your choice pero ang buhay patuloy pa den kase ang mundo umiikot!( look who's talking lol) scratch lol! lol! lol!
gustuhin mo man or hindi ala kang choice anoh? kase life can be sum up only into 3 words IT GOES ON............
bounce bounce bounce

keep on loving and looking for d right one for you! ako den eh im on the process of BF huntinglol! hirap kaya maghanap gang ngayon d ko pa nakikita ang aking Without Wax huh!

cheers cheers cheers great blog sis Jen! parang nung ginawa mo to eh 1000 watts ang emosyon mo hehehe! galeng, ganda, so transparent! i luv it!promise! me patak ba ng luha yung keyboard , nung ginawa mo to huh! ei sis jean listen to the song d art of letting go by mikaela if u don't know it yet! and d poem same title! read it nasa post ng TEFS yun. ganda hope you'll appreciate it! that is, if your still on the process of letting go ha?lGodbless!Muah!muah! flower flower cheers cheers cheers cheers
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by *JenZ* on Thu Mar 05, 2009 2:30 pm

Thanks a lot sissy...

Sis chaps, nung ginawa ko yan, halos mawalan na ako ng malay dahil nadadala ako ng emosyon ko.. ehehehe.. baka pag nabasa niyo yung love letter ko sa ex ko eh mas lalo kayong ma-touch. Sige ipopost ko para naman mashare ko sa inyo ang feeling ng naha-heartbroken. ehehehe!

Thanks mga sis. At least, kahit thru this forum lang. I know na may nakikinig sa mga hinagpis ko. Ehehehe! Madrama ba? Thanks a lot to all of you guys. Kahit di ko pa kayo masyadong kakilala, i appreciate you dahil nakikinig kayo sa akin.
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by chaps_1022 on Thu Mar 05, 2009 3:05 pm

Very Happy we are all happy to hear and share stories sis Jen! sya cge i- share mo na ng maiyak ako lol! matagal na kase ako d nakakapanood ng Maala-ala Mo Kaya eh at saka yung fave kong Joe D Mango huh! hayzz when it comes to love life ang sarap ng kwentuhan lalo na pag broken hearted. na miss ko tuloy bigla college bestfriend and barkada ko! emote sa harap ng bote ng beer gang umaga lol! i am missing those days! pati mga bata kong kaboard mates na super supportive! magyaya daw ba ng inuman kase broken hearted ako kahit me exams sila! luv those days! kahit na paulit-ulit ang kwento ko nagtyayaga sila well ganun talaga ang nagagawa ng pag-ibig! nagiging is akang sirang plaka na pinagtyayagaan nila kase they are the one who truly loves you!
don't you worry sis Jen dumaan den kame sa ganyan lol! mas worst pa nga eh hehehe! iuntog untog daw ba ang ulo sa pader weeeee! well treasured memories yun. newei excited na ko marinig and story mo huh! asan na ba? cheers Razz
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by *JenZ* on Thu Mar 05, 2009 3:28 pm

Ayan na sis chaps.. pinost ko na... actually nafeature ko na yan sa focal pero syempre, with konting edit-edit, di halata na ako yun. Ang title nga nun is "Kung maibabalik ko lang.." ehehehe!

Anyway, I can still remember nung gabing binigay ko sa kanya yang letter na yan. Halos madurog ang puso ko, at kasama narin sa envelope yung singsing na binigay niya sa akin. Syempre pagtalikod ko akala ko hahabulin niya ako.. pero grabe mga sissy, ang sakit sakit pala. Kasi hindi naman niya ako hinabol... huhuhu! As in hinayaan niya lang akong umalis. Then after niyang nabasa yung sulat, tumatawag siya sa akin, pero di ko naman na sinagot kasi sobra talaga akong nahurt nun ano. Tapos nalaman ko dun sa common friend namin, na nagsisisi na pala siya. Kaya lang, di na ako nakinig sa explanations niya at sa pagsosorry niya kasi nga nasaktan na ako. So yun, eventually, nagbreak din sila nung girl. At ako naman may bago nang bf.. at siya may bago naring gf... nagkikita parin kami minsan pag weekends.

Di naman kami bitter, para ngang walang nangyari eh... disente naman kami pareho, kahit na gustong gusto ko na siyang sabunutan sa sobrang ngitngit... hay sis chaps, ang sarap ireminisce ng mga nakaraan ano? Kung pwede mo lang sigurong hugutin ang past at baguhin ang mga nangyari... tapos ngayon, ang pwede ko nalang gawin is magtanong ng "what if..."...
avatar
*JenZ*

Number of posts : 12
Age : 31
Location : Tel-Aviv, Israel
Points : 6418
Registration date : 2009-03-03

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 12:44 am

Very Happy pang maalaala nga jen kase kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo hehehe! bakit kaya pagdating sa love ang emotional naten noh hayzzzzz! pero lam mo Jen it is good to hear na pareho na kayong happy now! naka move-on na kayo kase lam mo kung talagang gusto ka nyang habulin dapat ginawa nya eh. stop that "what if ..." drama parang ur still hoping pa kase and parang me regrets mas mahihirapan ka lang na mag move on....in the first place d naman ikaw nagkamali eh sa kanya me prob d sayo. hayzzzzzzzzzzzzz
ramdam na ramdam ko den yan huhuhu! kung pede lang syang habulin hinabol ko na hehehe! ang dameng what if meron pa ngang "i'd rather ......." eh na drama hehehe! pero now pag naalala ko natatawa ako huh! ambata mo pa naman dame mo pang mamemeet na mas higit pa sa kanya......


i enjoy your story nakarelate talaga ako ! oh d ba andameng lesson sa LOVE . hindi ko nga maintindihan kung bakit dati pinagabbawal saken ng parents ko yang love na yan studies daw muna kaya eto kinarreer ko gang ngayon la akong bf huh!
lol! lol! lol! lol!
stay pretty and empowered! Godbless u!muah! flower flower
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by jha on Fri Mar 06, 2009 11:39 am

Razz Embarassed Embarassed Nag-enjoy naman ako masyado sa post mo sis jenz..hihihii..super basa ko talaga mga =))replies nyo sissy.. study study .para akong nakikinig ng drama sa radio, [charing! palibhasa nakarelate ako] lol! lol! Shocked Shocked
SO lovely story! I agree, pinakamasakit yung part na, binalik mo ung ring mo sis jenz sabay pagtalikod umaasa syempre tayong gurls na sasabihin ni ex-bf to be mo na, "WAIT,I LOVE YOU LETS TALK AND WORK IT OUT PLS!" taz ang nangyari deadma lang ,d tayo hinabol! Ouch! huh! Hayzzzz! Oh pag-ibig! weakness ng maraming nilalang sa mundo , kahit nga si Sissy Oprah duguang puso din e! =)) Why not!? e babaeng umiibig katumbas lagi ay pagluha ng dugo! Vow!..ang mahalaga we've learned from that mistakes, and kahit papano sumaya tayo sa kanila..
[kahit pa nga katumbas e pagluha ng dugo!] lol! lol!
avatar
jha

Number of posts : 47
Age : 33
Location : Israel
Points : 6473
Registration date : 2009-02-24

View user profile http://jhabobby-borja.blogspot.com/

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 2:48 pm

Very Happy sissy Jha lumuha ka talaga ng dugo ha! oi musta pala ang sissy Oprah super cry den pala sya sa lalaki hehehe! eh si sissy Condoliza Rice kaya umiiyak den sa lalaki Rolling Eyes lol! lol! lol! ?????? gusto ko malaman lovelife nun eh mukha kaseng bato ang puso nya? who knows d ba kung super cry den sya? hmmmm tinitingala ko kase ang babaeng yun eh! galeng nya no! a woman of substance and power huh! pagdating kaya sa love powerful and substancial pa den sya?
scratch kase karamihan ng matatalino bobo pagdating sa love ehemmmmmmmmm! lol! lol! lol!

sissy Jha it's ur turn naman daw share mo na love life mo!hehehe! ei nga pala sissy Jha me Eb ang TEFS sa April 4,2009. 2009 sissy ha hindi 2010. kaya i-schedule mo na oki! be there ala munang pass ok! Godbless all!hugs and kisses to all!muah!muah!


Last edited by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 8:48 pm; edited 1 time in total
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by Admin on Fri Mar 06, 2009 6:30 pm

xa awat na muna at puro dugo nababasa ko dito, duguang puso,duguang luha, ano ba!(joke lng po hehe!)

you know what, i love you all guys, lahat kau women of substance, a true sign of an empowered woman.

Ganyan tlga ang buhay, may mga bagay na sobrang sakit at tlagang dudurog sa'yo pero after that saka mo marerealize na, it happened pala for good reason. Sometimes hindi lng ntin nakikita o ayaw nating aminin kc busy tayo sa pagpoprove sa ibang tao na tama tayo at mali sila, pero kung ibabaling mo sa katotohanang tama tayo sa sarili ntin and independent tayo on what other people say, siguro mas magaan tanggapin at harapin ung problema.

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6587
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by chaps_1022 on Fri Mar 06, 2009 8:59 pm

Rolling Eyes teka tinamaan ako jan cuz ah hmmmmmm! minsan kase kahit alam mong tama ginawa mo but when people arround you are trying to say that you are all wrong mahirap tanggapin eh, minsan u have to prove d lang sa sarili mo pati den sa lahat na you are who you are and not what they are trying to figure as you which is not the real you. it is not easy to make a good reputation and preserve it! right? i hope im not over acting here lol! sometimes you have to give them your killing power as u are saying cuz for them to stop and realized what effect they brought you. newei it is still yourself that matters most and that you know who you are inside out! luv u cuz!muah!congratz!
flower flower flower
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 38
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6543
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ang pag-ibig nga naman...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum