The Empowered Filipinas

Ako ang Kasalukuyang Pilipino!

View previous topic View next topic Go down

Ako ang Kasalukuyang Pilipino!

Post by chaps_1022 on Wed Mar 18, 2009 10:11 pm

KASALUKUYANG PILIPINO


Ako ang kasalukuyang Pilipino
Ako ay bahagi ng isang henerasyong ligaw
at hindi ako naniniwalang
kaya kong baguhin ang Pilipinas
Nauunawaan kong kagulat-gulat ito ngunit...
”Ang kaligayahan ay natatagpuan sa magandang kalooban.”
ay pawang kasinungalingan, bagkus
”Ang salapi ang nagbibigay ng kaligayahan.”
Makalipas ang ilang taon, sasabihin ko sa aking mga anak
hindi sila ang pinakamahalaga sa buhay
Mapagtatanto ito ng aking pinagtatrabahuhan na
wasto ang aking mga prioridad
Trabaho
ay mas mahalaga kaysa
Pamilya
Sinasabi ko sa inyo
noong sinaunang panahon pa
ang mga pamilya ay sama-sama, nagkakaisa
Ngunit hindi ito magkakatotoo sa panahon ko
Nakabalot tayo sa isang lipunang may mababaw na pagpapahalaga
Wika sa akin ng mga kakilala’t kaibigan
Ilang taon mula ngayon, walang magiging pagbabago ang bansa
Hindi ako naniniwala na
Ako ay mamumuhay sa isang bansa na ako ang may kagagawan
Sa hinaharap
ang pagkawasak ng kalikasan ay magiging pangkaraniwan
Hinding-hindi masasabing
ako sampu ng aking mga kaibigan ay may malasakit sa bansa
Patunay na
ang aking henerasyon ay manhid at walang pakialam
Isang kalokohan na maniwalang
may pag-asa pa

Subalit ang lahat ng ito ay magkakatotoo lamang kung hindi natin babaligtarin.

(read backward...)

may pag-asa pa
Isang kalokohan na maniwalang
ang aking henerasyon ay manhid at walang pakialam
Patunay na
ako sampu ng aking mga kaibigan ay may malasakit sa bansa
Hinding-hindi masasabing
ang pagkawasak ng kalikasan ay magiging pangkaraniwan
Sa hinaharap
Ako ay mamumuhay ako sa isang bansang ako ang may kagagawan
Hindi ako naniniwala na
Ilang taon mula ngayon, walang magiging pagbabago ang bansa
Wika sa akin ng mga kakilala’t kaibigan
Nakabalot tayo sa isang lipunang may mababaw na pagpapahalaga
Ngunit hindi ito magkakatotoo sa panahon ko
Ang mga pamilya ay sama-sama, nagkakaisa
noong sinaunang panahon pa
Sinasabi ko sa inyo
Pamilya
ay mas mahalaga kaysa
Trabaho
wasto ang aking mga prioridad
Mapagtatanto ito ng aking pinagtatrabahuhan na
hindi sila ang pinakamahalaga sa buhay
Makalipas ang ilang taon, sasabihin ko sa aking mga anak
”Ang salapi ang nagbibigay ng kaligayahan.”
ay pawang kasinungalingan, bagkus
”Ang kaligayahan ay natatagpuan sa magandang kalooban.”
Nauunawaan kong kagulat-gulat ito ngunit
kaya kong baguhin ang Pilipinas
at hindi ako naniniwalang
ako ay bahagi ng isang henerasyong ligaw
Ako ang kasalukuyang Pilipino



Hope you'll all like it gurls! sounds like a lil patriotic right???? para maiba naman hehehe! kakasawa na puro love eh let's take a glance at our dear country naman! love you all and Godbless!muah! I love you I love you cheers cheers
avatar
chaps_1022

Number of posts : 145
Age : 37
Location : tel-aviv, Israel
Points : 6379
Registration date : 2009-01-23

View user profile

Back to top Go down

Re: Ako ang Kasalukuyang Pilipino!

Post by Admin on Thu Mar 19, 2009 12:20 pm

Wow i love this! at first, i'm kinda sad reading the first lines and afterward the truth came. I am praising the author of this article and Mabuhay ka!

Salamat sa iyong patuloy na paniniwala sa lahing Pilipino at sa paniniwalang ang pagbabago ay magmumula sa iyo at hindi sa ibang tao o sa iyong gobyernong lagi n lang sinisisi ng madlang makitid din ang pang unawa sa kahulugan ng tunay na kaligayahan.

Keep up the good work!

_________________
Stay Beautiful Inside and Out!

Nenette Gajisan
Admin
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 207
Age : 34
Location : Israel
Points : 6423
Registration date : 2009-01-23

View user profile http://nenette.sosblog.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum